Usapang trabaho ulit.
Hindi ko linya ang trabaho ko ngayon. Noong natanggap ako sa trabaho na ito, ang nasa isip ko lamang ay magresign. Noong magsisimula na ang review ko para sa board exam, nagresign ako pero hindi natuloy. Noong unang beses na na-evaluate ako, nasa isip ko last na na evaluation ko yun (gusto ko lang naman na maging regular noon dahil gusto kong magkalibreng jacket). Noong ikalawang evaluation, sinabi ko hindi na ako aabot sa ikatlong evaluation na gagawin after 6 months. At ngayon, natapos na ang ikatlong evaluation ko.
Nakakatawa dahil hanggang ngayon nandito pa rin ako na kung tutuusin, unang tungtong ko pa lang sa opisinang ito, resignation na ang nasa isip ko.
Sign Number 1: Mga 2 weeks or 3 weeks ago, nanaginip ako na nagresign o natigbak ako sa work ko. hindi ko na maalala talaga kung ano yung nangayari sa panaginip, basta tungkol sa pag-alis ko sa trabaho ko ngayon yung tema.
Sign Number 2: Nakwento ko na ito sa past post ko. Nahirang akong Best in Attendance awardee noong nakaraang buwan ng Agosto. Noong buwan ng Hulyo, nasambit ko sa aking katrabaho na kapag nakuha ko yung award na “Best in Attendance” magreresign na ako kasi most unlikely na makukuha ko siya. Pero nakuha ko. Pagkakataon nga naman.
Enter the “Looking for Sign Number 3″ drama.
Last week, sinabi ng TL ko na kakausapin niya ako. Syempre tinanong ko kung bakit, ang sagot niya, may violation daw ako. Sabi ko sa sarili ko (with matching ngiti habang nag-iisa) eto na ata ang sign number 3, magkakaroon ako malamang ng dreaded IR (incidence report) kapag may violation ako. Pag nagkataon, resign na ang drama ko. False alarm pala, evaluation ko lang pala yung dahilan kung bakit ako kakausapin ng TL namin. Sadya lang siyang mapagbiro at mapagpa-kaba.
Restday ko ng Tuesday at Wednesday at nasa probinsya ako. Kakapasok ko lang ngayong graveyard shift ng Thursday. May kaguluhan na pala sa opisina, hindi ko pa alam. Bonggang-bonggang tanggalan ng mga tenured employees (3 kagad sa department namin ang naapektuhan at 3 ko pang kakilala sa ibang department), nadissolve ang isang department, dissolved ang team na kinabibilangan ko, nilipat sa ibang department ang iba kong ka-team at inilipat namang ang iba sa kabilang team sa department namin kabilang na ako. Wala akong kaalam-alam dahil patay ang telepono ko at hindi ko chinacharge. Kung hindi pa nagtext si Aubu sa kuya ko, hindi ko malalaman. Hindi na nga ako naka-attend sa meeting tungkol sa mga changes na ito kanina dahil late ko na nabalitaan. At ang tumatak sa utak ko na tinext ni Aubu; “E2 n b ang last sign na cnsbi mu? hehe”.
Totoo ba ang signs? Naniniwala ba talaga ako dito o gusto ko lang talaga siyang paniwalaan? Isang sandigan sa mga desisyon na hindi magawa kaya sa signs na lang umaasa. Isang kathang-isip na nagpasalin-salin sa henerasyon.
Madalas naman, tayo ang nagse-set ng signs, tayo ang nag-iinterpret at tayo rin ang gumagawa ng aksyon tungkol dito. Kapag pabor sa gusto natin, susundin natin. Kapag hindi natin trip ang lumabas na sign, iisipin natin na hindi pa iyon ang sign na hinihintay natin at patuloy na maghihintay sa sign na hiniling natin.
Naisip ko tuloy na state of mind lang ang signs. Gawa-gawa ng mga taong walang makapitan. Pag-asa ng taong takot. Paniniwala ng mga taong indecisive. Ka-kornihan ng mga hopeless romantic. Kaadikan ng taong walang magawa sa buhay.
Pero kahit ganon, gusto ko siyang paniwalaan. Gusto kong makita ang 3rd and last sign.
Ayon sa Serendipity: Is the absence of sign a sign?
Hmnnn….
No comments:
Post a Comment